BAGUIO CITY – Arestado ang anim na katao dahil sa pagbiyahe ng mga ito ng mga iligal na nalagaring kahoy sa Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga.
Nakilala ang mga ito na sina Heron Villanueva, 30, driver ng ginamit na sasakyan; Elmer James De Leon, 22; Armino Jacinto, 45; Gerald Addoro, 18; Arvie Jacinto, 19; at Joey Garcia, 30.
Batay sa report, sinita ng mga awtoridad ang mga suspek sapagkat hindi sila nakasuot ng face mask kaya’t sila’y pinababa mula sa kanilang sinakyang trak.
Dito natuklasan ng mga awtoridad ang pagbiyahe ng mga suspek sa mga naputol na kahoy.
Walang naipakitang papeles ang mga nasabing indibidwal kayat kinumpiska ng mga awtoridad ang halos 802.66 na boardfeet ng kahoy na nagkakahalaga ng P40, 100.
Naipasakamay sa DENR ang mga nakumpiskang kahoy at ang trak na ginamit ng mga suspek.