(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-kustodiya ang anim na kalalakihan upang isailalim ng masusing imbestigasyon kung mayroon itong kaugnayan sa sinaksak-patay na 19 anyos na kolehiyala sa Zone 4,Brgy Santa Ana,Tagoloan,Misamis Oriental.
Kasunod ito ng malawakang isinagawa na pursuit operation ni Tagoloan Police Station commander Major Renz Marion Serrano upang matunton ang mga responsable pagpatay sa biktima na si Lady Grace Galo na residente sa lugar.
Sinabi ng pulisya na dinala nila sa himpilan ng anim na kalalakihan dahil mayroong ilang kaduda-duda na palatandaan kabilang na ang pagkaroon ng sugat ng kamay na isa sa mga ito at kataka-taka kung bakit sinunog ang ilan sa mga damit nito.
Nadampot ang mga trabahante ito sa loob ng kanilang bunk house kung saan hindi kalayuan sa bahay ng biktima kaya sila ang pinakamalapit na iniimbestigahan.
Bagamat itinanggi ng mga ito na nasangkot sila dahil napunta lang sila sa lugar dahil nagta-trabaho para magsagawa ng perimeter fence sa lupain ng Phividec Industrial Authority.
Magugunitang mayroong palatandaan na posibleng tinangkang ginahasa ng biktima subalit dahil nanlaban ay pinagsaksak kaya binawian ng buhay habang mag-isa sa loob ng baahay noong nakaraang gabi.
Si Lady Grace ay nasa pangalawang taon na ng kursong Bachelor of Science in Business Administration ng Tagoloan Community College.
Nadiskobre rin na aktibo ito ng kanilang simbahan bago pinatay.
Nag-alaman na ang mga trabahanteng dinampot ay pawang hindi taga-Tagoloan bagkus ay nagmula ang ilan sa Cagayan de Oro City at sa syudad ng El Salvador,Misamis Oriental