LAOAG CITY – Hinuli ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Police Major Christian Felix, ang chief of police sa bayan ng Marcos ang anim na indibiduwal dahil sa pagsusugal nila sa Barangay Escoda.
Ayon kay Felix, isa sa mga nahuli na nagsusugal ay menor de edad na lalaki at grade 11 student.
Una rito, sinabi niya na may natanggap silang impormasyon na may nagsusugal sa nasabing lugar dahilan para magsagawa sila ng operasyon.
Sinabi nito na sa kanilang pagresponde sa luugar ay naaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng ‘’pusoy dos’’.
Nakumpiska nila sa unang lamesa angisang set ng baraha na hindi pa nabuksan, isang pang set ng baraha na ginagamit ng suspek, lamesa, anim na upuan, isang plato na may lamang 40 pesos at P423 a pisos.
Samantala, sa ikalawang lamesa naman ay nakumpiska ng mga otoridad ang isang puting table cloth, plastik na lamesa, apat na upuan, at 320 na piso habang sa ikatlong lamesa ay nakuha naman ng mga pulis ang isang set ng baraha, limang upuan at 130 pesos.
Sa ngayon ay nanatili ang mga suspek sa kustudiya ng PNP sa bayan ng Marcos habang inihahanda ang reklamo na isasampa laban sa mga ito.