BUTUAN CITY – Anim katao ang nailigtas mula sa tumaob na motorbanca sa Basul Island sa Surigao City.
Nakilala ang mga nailigtas na sina Aljun Ching, 29, binata, residente ng Brgy. Danawan, Surigao City at sina Michael Balili, 39, may asawa; Jitter Segarra, 23, binata; Louie Jay Segarra, 22, binata; Angelou Cawaling, 20; at Johnmike Balili, 16, parehong residente ng Brgy. Sabang, Surigao City.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng MBCA Princess Iana Jane mula sa Duklong, Brgy. Washington ng Surigao City at patungo sanang Brgy. Danawan ngunit pagsapit nila sa Basul Island, ay pinaghahampas ng naglalakihang alon ang kanilang sinasakyang motorbanca na naging dahilan sa pagtaob nito.
Nang matanggap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang impormasyon mula sa Surigao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ay kaagad silang nagpadala ng Quick Response Team (QRT) sakay ng rubber boat para sa Search and Rescue (SAR) Operation.
Naabutan nila ang anim na sakay na ng MBCA LEO na motorbanca na dumaan lamang sa naturang lugar at patungo sana sa Surigao City kung kaya’t ligtas silang naihatid sa baybayin ng Punta Bilang-Bilang Basin sa Brgy. Taft, Surigao City