CENTRAL MINDANAO -Umakyat na sa 30 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa probinsya ng Cotabato.
Sa datos ng Department of Health (DOH-12) 3 mula sa bayan ng Pigcawayan,2 sa Libungan at 1 sa Carmen North Cotabato ang panibagong nagpositibo sa Covid 19.
Una ang 20 anyos na lalaki na biktima ng vehicular accident sa Pigcawayan Cotabato na dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay at lumabas sa RT-PCR test na nagpositibo ito sa Covid 19.
Kabilang din ang 59 anyos na lalaki mula sa Pigcawayan,54 anyos na lalaki mula sa Libungan,26 anyos na babae mula sa Pigcawayan,59 anyos na lalaki mula sa Libungan at 34 anyos na lalaki mula sa Carmen North Cotabato.
Ang lima katao ay non-covid patient na naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City para sa kidney dialysis.
Kinunan ng swab sample ang mga biktima at nagpositibo sa RT-PCR test sa Covid 19.
Marami ang naniniwala na posibling nahawaan ito sa loob ng pagamutan.
Sa ngayon ay naglunsad na ang mga health workers ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga biktima.