Patay ang nasa 6 na katao kabilang ang suspek sa multiple stabbling incident sa shopping centre sa Sydney, Australia.
Kinumpirma ng local police na isang lalaki na hinihinalang attacker sa insidente ang nabaril at kalaunan ay namatay habang isang bata naman ang kabilang sa nasugatan sa insidente.
Mag-isa lamang umanong gumawa ng krimen ang suspek at walang nakikitang anumang banta sa publiko matapos ang insidente.
Una rito, agad na nirespondehan ng mga ambulansiya ang mga tao sa pinangyarihan ng krimen sa may Bondi Junction area kung saan napaulat ang isang lalaking naglalakad sa may Westfield shopping centre na may hawak na patalim.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikisimpatiya si Australian PM Anthony Albanese sa mga nasugatan sa insidente at nagpasalamat sa mga rumesponde.
Inabisuhan naman ng kapulisan ang mga tao sa lugar na iwasan muna ang lugar habang daan-daan namang katao ang inilikas mula sa shopping centre.
Ang naturang pinangyarihan ng krimen ay sinasabing lugar ng tirahan ng mga Jewish community kayat inuugnay ang naturang insidente sa Israel-Hamas war.
Subalit, kasalukuyang gumugulong pa ang imbestigasyon ng local authorities kaugnay sa motibo ng suspek sa krimen.