-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang lima katao habang sugatan naman ang isa, matapos tamaan ng kidlat sa Camp Madigger, Binaton, Digos City, Davao del Sur, kung saan nakakaranas ng sunod-sunod na kidlat kagabi kasabay ng malakas na pag ulan.

Kinilala ni Digos City Agriculturist Jerome Escobarte, ang iilan sa mga biktima na sina Glendell Joy Villocino, 17 anyos dalagita, residente ng Barangay Soong; Clarence Cate Chatto, 21 anyos lalaki, residente ng Barangay Sinawilan, Digos City.

Kasalukuyan namang mino-monitor ang kalagayan ng isa pang biktima na kasalukuyang nasa Davao del Sur Provincial Hospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon sa Digos City Police, pauwi na ang mga biktima mula sa camping sa Camp Madigger ng bumuhos ang malakas na ulan pasado alas 6:30 kagabie. Nagpasilong ang mga biktima ng tumama ang kidlat sa kanila.

Sa ngayon na rekober na ng Digos CDRRMO ang bangkay ng mga biktima sa taas na bahagi ng Camp Madigger.