-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Hinihintay pa ang magiging desisyon ng Commission on Higher Education – Central Office sa hiling ng anim na Higher Education Institutions (HEIs) o paaralan sa kolehiyo sa Cordillera Administrative Region na pagtaas ng tuition fee sa school year 2019-2020.
Ayon kay Menzie Kuengan, tagapagsalita ng CHEd – Cordillera, mayroong limang pribadong paaralan sa lunsgod ng Baguio at isa naman sa Tabuk City, Kalinga ang nag-apply sa tuiton fee increase.
Aniya, karamihan sa mga nasabing paaralan ang nagnanais na magsagawa ng lima hanggang 10 porsyentong pagtaas ng matrikula.
Tiniyak naman ni Kuengan ng nagsagawa ng konsultasyon ang mga nasabing paaralan at nakapagsumite ang mga ito ng mga kinakailangang dokumento.