-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Anim na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Local Terrorist Group (LTG) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na sumuko ang anim na mga terorista sa tropa ng 40th Infantry (Magiting) Battalion Philippine Army sa Brgy Midconding at Brgy Kulasi General Salipada K.Pindatun Maguindanao.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang Caliber.30 M1 Garand Rifle, 1-Homemade barret Rifle, 1-Homemade RPG, mga magazine, mga bala at 1-M79 Grenade Launcher.

Sumuko ang anim na BIFF dahil pagod na sila sa pakikibaka at gusto na rin nilang magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.

Pinuri naman ni M/Gen.Juvymax Uy ang tropa ng 40th IB sa pagsisikap nito na mapasuko ang anim na mga rebelde.

Nakaranas din ng gutom ang anim na BIFF at halos walang makain dahil sa pinaigting na focused military operation ng Joint Task Force Central.

Hinikayat ni Uy ang mga rebeldeng BIFF, NPA at mga Armed Lawless Group na sumuko na dahil tutulungan sila ng gobyerno para magbagong buhay.