-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sabay-sabay na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang pamilya sa Brgy. Q. Abeto, Mandurriao, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Ramon Amoroso, sinabi nito na sa walong miyembro ng pamilya, anim ka sa kanila ang nahawaan ng COVID-19.

Unang nagpositibo sa virus ang padre de pamilya matapos nagkaroon ng close contact sa kanilang kapitbahay na may virus.

Sa ngayon, nasa quarantine facilty na ang mga miyembro ng pamilya.