-- Advertisements --
Sugatan ang anim na peacekepers ng Malaysia na kasama sa United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL) matapos ang naganap na pagsabog sa Saida Stadium sa Lebanon.
Ayon sa Malaysian UN peacekeepers na tinarget ng mga Israel ang ilang mga sasakyan ng sibilyan na patungo sa Beirut.
Nadamay sa insidente ang mga sasakyan na nakaparada malapit sa lugar.
Magugunitang pinaigting ng Israel ang kanilang pag-atake sa Lebanon para tuluyang mapanagot ang mga Hezbollah militants na nagtatago sa Lebanon.