CENTRAL MINDANAO- Anim na mga mambabatas sa mababang kapulungan ang naghain ng resolusyon sa independent investigation sa Kabacan mass murder.
Sa House Resolution no. 1183 na inihain ng anim na mambabatas kinabibilangan nina Maguindanao 2nd District Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, Deputy Speaker Mujiv Hataman, AMIN pagrtylist Rep. Amihilda Sangcopan, Rep. Yasser Alonto Balindong, Rep. Munir Arbison, Rep. Rashidin Matba at Rep. Ansaruddin Abdul Malik Adiong.
Inatasan nito ang House Committee on Public Order and Safety at Committee on Muslim Affairs na magsagawa ng joint inquiry in aid of legislation kaugnay sa pamamaril patay sa siyam katao sa provincial road malapit sa USM granary and machinery sa Brgy Poblacion Kabacan North Cotabato.
Sinabi ni Mangudadatu na pagkapoot at labis siyang nasaktan sa sinapit ng mga biktima na pawang mga magsasaka.
Walo sa mga biktima ang on the spot na nasawi at isa ang binawian ng buhay sa pagamutan.
Nanawagan si Mangudadatu na magkaroon ng hiwalay at malayang imbestigasyon sa Kabacan mass murder.
Kung mapapatunayan aniya na may partisipasyon ang mga otoridad sa pamamaslang sa mga biktima ay nakakalungkot dahil ang mismong institusyon na inatasang protektahan ang buhay, siguridad at kapayapaan ay syang may kagagawan sa insidente.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa resolusyon na ipinasa ng anim na mambabatas sa Kongreso na malaking tulong para agad managot sa batas ang mga suspek na pumatay sa siyam katao na walang kalaban-laban.