Patay ang anim na mangingisada matapos masunog ang kanilang motorbanca sa Naga City, sa probinsiya ng Cebu.
Ayon sa Philippine Coast Guard, na mayroong anim na mangingisda ang kanilang nailigtas kung saan isa mga dito ay nasa kritikal na kondisyon.
Nakita ng isang cargo vessels ang pangyayari na sila na rin ang tumawag sa Philippine Coast Guard.
Agad namang naapula ang sunog matapos ang ilang oras.
Sinabi ni Petty Officer 1st Class Joel Baring, commander ng Naga City Coast Guard Sub-station na galing sa Guilutugan island sa Masbate ang bangka noong Hunyo 2 at patungo isa sa Cebu para mangisda subalit isa sa dalawang makina ng motorbanca nila ang nasira.
Itinanggi ng boat captain na si Mark Anthony Sullano, na may dala silang mga dinamita at mga pampasabog.
Nagliyab lamang ang kanilang mga dalang krudo, mga gamit pangisda at isang tangke ng liquefied petroleum gas.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagkasunog.