BACOLOD CITY – Anim na medical doctors sa lungsod ng Bacolod ang nabakunahan kasabay ng ceremonial inoculation ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine mula sa Sinovac Biotech kaninang umaga.
Lumapag kaninang umaga sa Bacolod-Silay Airport ang Philippine Airlines (PAL) lulan ang CoronaVac.
Ito ay sinalubong ni Bacolod City Administrator Em Ang at Dr. Chris Sorongon, ang deputy for medical ng Emergency Operations Center.
Kabuuang 6,270 doses ng bakuna ang ipinadala ng Department of Health (DoH) sa Bacolod para sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, Riverside Medical Center at iba pang health workers dahil 3,135 indibidwal ang mabakunahan para sa dalawang doses.
Dinala ang karamihan ng bakuna sa cold storage ng annex annex building ng Bacolod Government Center at ang iba ay dinala sa Coranzon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) na may sariling cold storage facility.
Isinagawa ang ceremonial inoculation sa lobby ng government center.
Pitong Doctor sana ang magpapabakuna ngunit tumaas ang blood pressure ni Dr. Michael Thomas Salvador, presidente sang Philippine College of Physicians Negros Occidental, kaya anim nalang ang nabakunahan at ito ay kinabilangan ni Dr. Hector Gayares, deputy for medical ng EOC.
Bago magpabakuna sumailalim sa screening ang mga doctor kagaya ng blood pressure check at orientation.