-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa militar ang anim na mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga rebelde na sina Naldo Babalay, Nashrudin Kanapia, Abil Kusain, Dok Adam, Alamansa Manampad at Antok Pendatun,mga miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

Ang anim na sumuko ng mga terorista ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 33rd infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Elmer Boongaling sa Brgy Zapakan Rajah Buayan Maguindanao.

Isinuko ng anim na BIFF ang isang M14 rifle,isang Caliber.30 M1 Garand rifle,isang caliber . 50 Sniper rifle,dalawang M79 Grenade launchers,mga magazine at mga bala.

Sinabi ni Babalay na pagod na sila sa pakikibaka at hindi na nila maintindihan ang pinaglalaban na idolohiya ni Kumander Bungos.

Hinikayat naman ni 601st Brigade OIC Commander Colonel Joel Mamon ang ibang mga rebelde na sumuko na at magbagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

Makakatanggap ng tulong na pinansyal at livelihood assistance ang mga rebelde mula sa Provincial Govnt ng Maguindanao.

Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon sa mga lokal opisyal na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.