-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Anim na mga terorista ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga rebelde na sina Badtongan Amino, Rasid Sangkali, Nasrudin Talib, Mohammad Abdul Samad, Khulo Amino at Aladin Gaapar.

Ang anim na mga terorista ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng Karialan faction ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sumuko ang mga rebelde kay Shariff Aguak Maguindanao Mayor Engineer Marop Ampatuan at Ist Mechanized Infantry Battalion Commander,Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr.

Isinuko ng anim na mga myembro ng BIFF-ISIS Dawlah Islamiyah Terrorist ang anim na mga matataas na uri ng arma,dalawang Improvised Explosive Device (IED),mga bala,magazine at mga kagamitan sa paggawa ng bomba.

Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy kay Mayor Ampatuan sa pagtulong nito sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.

Ang anim na BIFF ay nakatanggap ng tulong pinansiyal at livelihood assistance mula sa LGU-Shariff Aguak at sa pamahalaan.

Hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF,mga Armed Lawless Groups (ALGs) sa Maguindanao na sumuko na at magbagong buhay.