-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Na-rescue ng mga otoridad ang anim na menor de edad sa isang pinaghihinalaang cybersex den sa Mayorga, Leyte .

Ayon kay Police Lt. Col. Mary Grace Madayag , chief ng Women and Children Protection Center Visayas ang mga narescue ay tatlong mga batang lalaki na may edad anim, pito at walong taong gulang at tatlong babae edad 11, 13 at 18-anyos na inaabuso raw ng isang 23 taong gulang nilang kamag-anak.

Ang babaeng suspek ay naaresto mismo sa loob ng kanilang bahay matapos maaktuhanng nila-livestreaming ang maselang bahagi ng katawan ng 13-taong gulang na menor de edad kapalit ng pera mula sa kanilang kliyente.

Nakuha naman mula ha suspek ang ilang cellphones, sim cards at memory cards na ginamit daw nito sa online sexual exploitation sa mga kabataan.

Patong patong na kaso ang isasampa sa suspek kabilang na ang paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act o Republic Act (RA) 9208, paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) at RA 7610 (Child Abuse Law).

Sa ngayon ay tinurn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor edad para sa protective care, evaluation at assessment, samantalang ang suspek naman ay dinala sa Municipal Police Station nga Mayorga, Leyte para sa documentation at proper disposition.