-- Advertisements --

Ikinababahala ngayon ng United Nations AIDS agency ang posibilidad na tumaas pa ang bilang ng mga nasasawing indibidwal dahil sa HIV at AIDS.

Ayon sa UN agency, batay sa kanilang pagtataya ay maaaring pumalo ito hanggang sa mahigit 6 million na katao sa loob ng susunod na apat na taon.

Ito ay sakaling hindi magbago ang desisyon ni US President Donald Trump at manatili ang posisyon nito na alisin ang lahat ng mga global funding para sa programa.

Pangunahing apektado ng desisyong ito ni Trump ang kinabukasan ng mga treatment programs ng UN AIDS.

Batay sa datos, aabot sa milyong dolyar ang on hold ngayon sa loob ng 90 days alinsunod sa direktiba ni US President Trump.

Ang naturang bilang ng mga maaaring masawi dahil sa AIDS at HIV ay katumbas ng 400% na pagtaas.

Una nang sinabi ng Trump administration na kanilang isanasailalim sa masusing review ang lahat ng kanilang mga foreign-aid programs sa ilalim ng “America First” policy na ipinatutupad nito.