DAVAO CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang anim na mga miyembro ng City Mobile Company ng Davao City Police Office.
Ito ang ibinunyag ni Davao City police office (DCPO) director, PCol. Kirby John Kraft.
Ayon kay Kraft, nakuha ng naturang mga pulis ang resulta ng kanilang RT-PCR test noong araw ng Sabado, Oktubre 3.
Dagdag pa ni Kraft, pawang mga asymptomatic ang naturang mga pulis na ngayon ay inilagay na sa mga isolation facilties sa siyudad.
Sinabi rin ng opisyal, idineploy ang mga police na COVID positive sa mga barangay na isinailalim sa lockdown dahil sa mataas na kaso ng virus.
Samantala, puspusan na rin ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga pulis habang patuloy din ang pagpapatupad ng mga health protocols sa loob ng Davao City PNP.