-- Advertisements --

Sinimulan na ng DSWD ang maagang pamamahagi ng anim na buwan na social pension para sa mga indigent na senior citizens para sa taon na ito bilang tulong na rin sa kanila sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ayon kay DSWD spokesperson Director Irene Dumlao, ito ay matapos na maibigay na nila ang pondo sa kanikanilang mga field offices sa mga local government units.

Sa katunayan, 140,000 indigent senior citienzs na ang nabigyan nila ng P3,000 pension bawat isa sa loob ng anim na buwan.

Hindi na aniya kailangan pang lumabas ng bahay ng mga senior citizens na ito para kuhanin ang kanilang grants dahil ibibigay na ang mga ito direkta sa kanikanilang mga bahay.

Nauna nang sinabi ni Senior Citizens party-list Rep. Francisco Datol Jr. na maagang makukuha ng mga indigent senior citizens ang kanilang pension sa loob ng anim na buwan, kasama ang mga delayed grants para sa ilang nakatatanda noong nakaraang taon.