CENTRAL MINDANAO – Anim na mga armadong kalalakihan ang nahuli ng mga otoridad sa probinsya sa Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Toto Panares, 34; Ibrahim Guimalan, 33; Jonathan Batunga, 18; Ibrahim Katogan, 20; Bohari Katogan, 20. at Kus Minga, 59, mga residente ng Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato police provincial director Col. Maximo Layugan na naglunsad ng law enforcement operation ang pinagsanib na pwersa ng Joint Task Force Central, 7th Infantry Battalion Infantry Battalion Philippine Army at North Cotabato Provincial Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-12) sa Brgy Inug-ug sa bayan ng Pikit laban sa mga suspek na mga gun for hire at miyembro umano ng armed lawless group.
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang dalawang M16 armalite rifles, isang M1 garand rifle, isang homemade caliber .30 rifle, dalawang M19 pistol, isang granada, mga bala, magazines at isang itak.
“The arrest of this armed lawless group will help in the on-going investigation of increasing number shooting incidents and other form of criminalities in Pikit ,” ani Joint Task Force Central commander at 6th ID chief Maj. Gen. Diosdado Carreon.