-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang anim na mga armadong naaresto na responsable sa serye ng robbery holdap ng isang North Cotabato at iba pang lugar sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Police Col. Britz Sales, hepe ng Makilala PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Sales, ang nasabing grupo ay responsable sa pinakabagong insidente ng panghoholdap sa isang pick-up truck sa kanilang lugar kung saan nakakuha ang mga ito nga P50,000.

Matapos gawin ang krimen ay tumakas patungo sa Kidapawan City ang mga suspek at dahil sa sunisurveillance na ang mga ito ay nahuli sila ng mga otoridad sa inilunsad na hot-pursuit operation.

Kinilala ang mga suspek na sina:

  1. Gemar Solidag Tipan, 36 taong gulang, may asawa, residente ng Banay Banay, Davao Oriental;
  2. Manilito Paragas Linda, 42 taong gulang, binata, residente ng Don Salvador, Davao Oriental;
  3. Allan Colita Miesco, 49 taong gulang, walang asawa, residente ng Duali, Davao Oriental;
  4. Denver Jay Sefuentes, 35 taong gulang, binata, residente ng Baganga, Davao Oriental;
  5. Dennis Singson Sefuentes, 40 taong gulang, binata, residente ng Banay Banay, Davao Oriental; at
  6. Arcadio Tipan Sefuentes Jr., 57 taong gulang, may asawa, residente ng Don Salvador, Mati, Davao Oriental.

Dagdag pa ng opisyal, ang anim na mga robbery hold-up suspect ay may dalang apat na mga baril at nakaw na mga bagay.

Kinumpirma din ni Sales na ilan sa mga suspetsado ay dating mga preso dahil may mga kaso na sa kanilang mga lugar pero nakapiyansa lamang.

Nakuha din sa posisyon ng mga ito ang iba’t ibang uri ng armas at bala, cellphone, iligal na droga, get-away vehicle at iba pang nakaw na gamit.

Sinampahan na rin ng patong-patong na mga kasong Robbery Hod-up, paglabag sa RA 10591 otherwise known as Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 on Comprehensive Dangerous Drugs Act of 202.