-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng pulisya sa bayan ng Claver, Surigao del Norte ang kabuu-ang danyos ng 6 na mga back hoes na sinilaban ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa loob ng compound ng CAGA 3 Platinum Group Metals Corporation o PGMC.

Naganap ito nitong alas-dose ng tanghali ng Huwebes sa Sitio Kinalablaban, Brgy.Cagdianao, ng naturang bayan.

Sa nasabing bilang, apat sa mga ito ay pag-aari ng CKDI contractor habang dalawa naman ang sa Queens contractor.

Itinurong responsable nito ang tinatayang 20 mga tauhan ni alyas Ka Jacob ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C GF16.