LAOAG CITY – Naitala ang anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte kagabi dahilan upang umaabot na sa 158 ang kabuuang kaso ng nasabing virus.
Ayon sa provincial government, apat dito ang local resident at dalawa ang locally stranded individuals na nagmula sa lungsod ng Tuguegarao at Makati.
Pinangalanan ng gobyerno probinsyal ang mga pasyente na sina IN-C153, babae, 61-anyos, at residente ng Brgy. Tabug, Batac City; IN-C154, babae, 44-anyos, IN-C155, lalaki, 15-anyos, IN-C156, lalaki, 76-anyos, parehong residente ng Brgy. 5 dito sa lungsod ng Laoag.
Ang mga LSI ay sina IN-C157, lalaki, 38-anyos, mula sa Makati City at si IN-C158, lalaki, 43-anyos nagmula naman sa Tuguegarao City at parehng residente ng
Brgy. Camandingan, Batac City.
Magkakaparehong asymptomatic ang mga pasyente at nasa isolation rooms.
Hindi pa malaman kung saan nahawa ng COVID-19 ang tatlo sa mga pasyente habang sina IN-C154, 155, at 156 ay nahawa kay IN-C135 na kanilang kabarangay.