Anim na bangkay ang narekober mula sa landslide sa Maco, Davao de Oro
Unread post by bombodavao » Wed Feb 07, 2024 5:18 pm
DAVAO CITY – Narekober na ang anim na bangkay ng mga manggagawa ng Apex Mining Company at 45 ang kumpirmadong nawawala matapos gumuho ang lupa sa Zone 1, Barangay Masara, Maco, Davao de Oro dakong alas-7:50 kagabi.
Bukod dito, 45 katao ang nailigtas at agad na dinala sa ospital, ngunit 3 sa bilang na iyon ay nasa kritikal na kondisyon.
Sa tala, mahigit 600 indibidwal o 86 na pamilya ang napilitang lumikas mula sa 5 magkakaibang barangay gaya ng Mainit, Tagbaros, Elizalde, Panibasan kabilang ang Masara.
Tumulong din ang mga miyembro ng militar kung saan may naka-standby na 14 na sasakyang militar para sa karagdagang pwersa at para mapadali ang search and rescue operation at iba pang sasakyan mula sa iba’t ibang organisasyon at ahensya habang naka-standby ang mga heavy equipment mula sa Apex Mines para sa clearing operations.
Matatandaan, kinansela ang operasyon kagabi dahil delikado ang lugar para sa mga rescuer.