Narekober na ang bangkay ng anim na sakay ng Cesnna 206 plane na bumagsak sa Isabela noong January 24, 2023.
Sa pangunguna ng K9 Mandog, Philippine Coast Guard K9 unit at AGTA, Natunton nila ang mismong crash site kaninag umaga bandang alas-8:00 ng umaga.
Samantala, ang Bureau of Fire Protection at Philippine National Police-SAF ay nagtungo rin sa crash site para umalalay sa pagbuhat ng mga bangkay.
Matatandaan na ang Cessna 206 plane na patungong Maconacon ay iniulat na nawawala isang oras pagkatapos umalis mula sa Cauayan Domestic Airport noong January 24, kasalukuyang taon.
Ang six-seater plane na may tail number na RPC 1174 ay lalapag sana ng alas tres ng hapon noong January 24, ngunit hindi nga ito nakarating sa destinasyon.
Posible pa umanong abutin ng tatlong araw bago maibaba ng retrieval team mula sa bundok ang mga labi.