-- Advertisements --

Nadiskubre ng Israeli military ang bangkay ng anim na bihag ng Hamas sa Gaza Strip.

Natukoy ang lugar ng mga bangkay sa isang underground tunnel sa Rafah.

Kinilala ang mga ito na sina Carmel Gat, Eden Yerushalmi, Hersh Goldberg-Polin, Alexander Lobanov, Almog Sarusi at Master Sgt Ori Danino.

Sinabi ni Spokesman Rear Adm Daniel Hagari na base sa kanilang inisyal na assesement na brutal ang pagpatay sa kanila ng Hamas bago ang kanilang pagdating.

Isinisi naman ni senior Hamas official na si Izzat al-Rishq sa Israel ang kamatayan ng mga bihag dahil sa hindi nilang pagpirma ng ceasefire deal.

Tiniyak naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil hanggang hindi mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang.