-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Naniniwala ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG- Cagayan na uusad ang isinampa nilang kaso laban sa anim na barangay officials na gumawa umano ng anomalya sa pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.

Sinabi ni PLTC Romeo Dela Trinidad, director ng CIDG Cagayan na may sapat silang ebidensiya laban sa tatlong barangay officials sa Aparri na isang kapitan, treasurer at secretary, dalawa sa Tuguegarao City na isang kapitan at secretary at ang isang kapitan sa PeƱablanca.

Ang mga ito ay sinampahan ng kaso may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupts Practices Act.

Kaugnay nito, sinabi ni Dela Trinidad na tinitiyak ng mga otoridad ang seguridad ng mga reklamo laban sa mga nasabing barangay officials.

Kasabay nito, hinihikayat niya ang mga may katulad na mga reklamo na magsumbong lamang sa kanilang tanggapan para sa kaukulang aksion.