-- Advertisements --

Butuan City- Epektibo na kaninang alas 12 ng tanghali ang ipinatupad na Granular lockdown sa Barangay Poblacion, Taglatawan, Salavacion, Cagbas, Calaitan at Maygatasan sa Bayugan City Agusan del Sur.

Ito’y matapos na ipinalabas kahapon ang resulta sa RT-PCR test sa mga suspected covid-19 cases na nagpositibo sa virus na siyang nagging dahilan nga pagpapatupad ng granular lockdown sa mga naturang barangay upang maiwasan ang pagkalat pa nang nasabing impeksyon.

Dahil dito, gumawa kaagad ng Executive Order No 17 series of 2021 si Bayugan City Mayor Kirk Asis para sa mga lugar na apektado ay ang Purok 1, 7, 12 at 23 sa Brgy Poblacion at Purok 8 sa Brgy Taglatawan; portion sa Purok 19 sa Brgy Salvacion at Purok 1 sa Brgy Cagbas at Calaitan samantala kasali din ang buong Brgy Maygatasan na inilagay ilalim sa focused containment at community quarantine, strict mandatory home quarantine.

Dahil dito, hindi papayagan ang mga residente na makalabas sa kani-kanilang bahay o sa mga lugar na posibleng makuha ang impeksyon. Kinansela din ang mga aktibidad ng nasabing probinsya.

Pinahihintulutan din ang mga negosyo na patuloy na maka-operate lalo na kung ito ay mga essential service. Makipag-ugnayan rin ang mga kapulisan ng Bayugan City 24/7 kasama ang koordinasyon ng mga opisyal sa barangay.

Binalaan rin sa nasabing EO ang lahat ng mga negosyo na hindi susunod sa resolusyon ay aarestuhin ilalim ng Sec 9 sa RA 11332 at Article 151 sa Revised Penal code kon Resistance & Disobedience to a Person in Authority sa hindi pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.