Mabilis na nalubog sa tubig baha ang anim na mga bayan sa lalawigan ng Capiz, dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan simula kahapon ng hapon hanggang kaninang kaumagahan, dala ng Low Pressure Area (LPA).
Sa pahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Atty. Shiela Artillero, sinabi nito na as of 8 AM na monitoring ng iba’t-ibang Municipal DRRMO’s, baha ang mga bayan ng Tapaz, Dumarao, Dumalag, Cuartero, Dao at Sigma, na nagdeklara na din ng suspensyon sa lahat na lebel ng klase sa pampubliko at pribado na sektor.
Isa ang bayan ng Cuartero na mabilis ang pagtaas ng tubig-baha, kung saan kinumpirma ni Mr. Ronald Guillermo, MDRRMO head, na ba-se sa kanilang record, apektado ang 60 na pamilya na may 207 indibidwal ang nag-evacuate sa kani-kanialng kamag-anak at sa barangay halls, baha din ang 8 barangay na kinabibilangan ng Ilaya, Takas at Ilawod sa Poblacion, Ilaya at Ilawod sa Barangay Bitoon, Mahunod-hunod, Mahabang Sapa at Angub.
Apektado din ang kanilang merkado kung saan minabuti ng mga vendor na maglatag ng paninda sa gilid ng national highway.
Patuloy rin ang kanilang monitoring sa iba pang mga barangay sa kanilang bayann sa posibleng evacuation at rescue.
Ngunit sa ngayon ay bahagyang humupa na rin ang tubig-baha sa nasabing bayan.