Naiuwi na sa Pilipinas ang 6 na biktima ng human trafficking mula sa Myanmar.
Ayon sa Bureau of Immigration, kabilang sa na-repatriate na mga biktima ang 4 na kalalakihan at 2 kababaihan na dumating sa bansa noong Abril 4.
Ayon din sa ahensiya, umalis ang mga biktima sa bansa bilang mga turista patungong Myanmar sa 2023.
Subalit, na-recruit ang mga ito para magtrabaho sa scam hubs sa Myanmar kung saan wala silang natanggap na sahod at naging subject din ng physical at psychological harm.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, maraming Pilipino ang naloko na magtrabaho sa nasabing mga kondisyon sa pamamagitan ng online job offers.
Kaugnay nito, nagbabala ang opisyal sa publiko na mag-ingat sa inaalok na trabaho na too good to be true para maiwasang mabiktima.