-- Advertisements --

Sinibak ng Russia ang anim na British diplomats dahil umano sa pang-iispiya.

Ayon sa Federal Security Service (FSB) na nakakuha sila ng senyales na nagsasagawa ng isang uri ng pang-iispiya ang mga diplomats.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang FSB at ang hakbang umano ng mga diplomats ay isang banta sa seguridad ng Russia.

Naganap ang pagsibak ilang oras matapos ang pagdating ni British Prime Minister Keir Starmer sa US para makipagpulong kay President Joe Biden.

Inaasahan na pag-uusapan ng dalawa ang pagpapaluwag ng restrictions sa kakayahan ng Ukraine na atakihin ang Russia gamit ang mga western weapons.