-- Advertisements --

Na-detect ang nasa 6 na Chinese balloons malapit sa Taiwan nitong araw ng Biyernes, Pebrero 7.

Ito ay sa gitna ng patuloy na military pressure ng Beijing sa naturang isla na inaangkin nitong parte ng kanilang teritoryo.

Ayon sa Taiwanese Defense ministry, namataan ang 6 na Chinese balloons sa loob ng 24 oras hanggang alas-6 ng umaga, oras sa Taiwan.

Maliban dito, na-detect din ang nasa 9 na Chinese military aircraft, 6 na warships at 2 official ships ng China sa parehong period malapit sa Taiwan.

Bagamat regular ng namamataan ang naturang mga Chinese balloon sa mga katubigan malapit sa Taiwan, ang panibagong kumpulan ng Chinese balloons ang isa sa pinakamaraming naitala.

Ayon sa isang hindi pinangalanang US official, ang naturang balloon ay may kakayahang kumalap ng electronic intelligence mula sa military sites kung saan ito pinapalipad at trina-transmit nito ang datos pabalik sa China.

Subalit nilinaw naman ng Chinese Foreign Ministry na ang naturang balloon ay pangunahing ginagamit umano para sa meteorological purposes at may limitadong self-steering ability o sariling kakayahan na kontrolin ang direksiyong tatahakin nito.