Magtatayo ang Department of Agriculture (DA) ng anim na cold storage facility sa apat na mga onion-producing regions simula ngayong taon bilang suporta sa mga lokal na magsasaka.
Ang bawat pasilidad na may kapasidad na 20,000 bags ay nagkakahalaga ng hanggang PHP40 milyon at itatayo sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.
Inihayag ni San Jose, Occidental Mindoro agriculturist Romel Calingasan, magtatayo sila ng storage facility upang malagyan ito sa panahon ng peak season ng harvest.
Aniya, hindi importation ang sagot sa mga kakulangan ng agricultural products.
Nauna nang inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangang suportahan ang mga magsasaka, iginiit na ang pag-angkat ay hindi dapat maging pangmatagalang tugon upang maprotektahan ang mga magsasaka at makinabang ang mga mamimili na may mas mababang presyo ng mga bilihin.