-- Advertisements --
Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na 6 na dam na ngayon ang unti-unting nagpapakawala ng tubig bilang paghahanda sa mga paparating pang bagyo ngayong linggo.
Alinsunod umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., anim na dam sa norte tulad ng Ambuklao, Binga, San roque at Magat Dam ang nag release na ng tubig ngayong araw.
Ito ay para hindi raw magkaroon ng over flow sa mga dam dahil sa inaasahang mga pag-ulan.
Sa loob ng 8 araw, inaasahang babagsak ang nasa 700 milimiters ng tubig ulan dahil sa pagpasok pa ng Bagyong Ofel at Bagyong Pepito.
Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla.