Nasa balag pa rin ng alanganin ang maayos na pagdedekla ng nanalo sa pagkapresidente ng Amerika dahil sa malaking kontrobersiya na pagkuwestyon ni US President Donald Trump sa bilangan sa ilang estado.
Sa mga projections at report mula sa Estados Unidos, abanse sa unofficial at partial tally si dating Vice President Joe Biden ng Democratic party na meron ng 253 electoral votes at humahabol naman sa 214 electoral votes ang Republican President na si Trump.
Kung sakaling may 264 electoral votes si Biden, ang kailangan na lamang niya mula sa electoral college ay anim para sa race to 270 votes.
Kabilang pa rin ngayon ang anim na mga estado na mainit na pinagdedebatehan at pinag-aagawan katulad ng Alaska (3), Arizona (11), Georgia (16), North Carolina (15), Nevada (6), at Pennsylvania (20).
Ang naturang mga estado noong 2016 elections ay pawang nakuha lahat ni Trump at tanging ang Nevada lamang ang napunta kay Hillary Clinton.
Sa mga projections ngayon kung ma-maintain ni Biden ang kalamangan sa pagbibilang sa popolar votes sa Nevada at sa Arizona, tapos na ang boksing.