-- Advertisements --

Sugatan ang anim na endurance track cyclist ng Germany matapos na sila ay sagasaan ng sasakyan.

Ang grupo ng atleta na kinabibilangan nina 2024 track world championship medalists Benjamin Boos at Bruno Kessler ay nagsasagawa ng ensayo mula sa isang hotel sa Palma sa Mallorca, Spain ng mangyari ang insidente.

Isa umanong 89-anyos na lalaki ang nagmamaneho ng sasakyan na hindi umano nito nakita ang mga paparating na siklista.

Dinala na sa mga pagamutan ang anim na mga siklista kung saan ang iba ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan.

Kasama rin sa aksidente ang mga atletang sina Tobias Buck-Gramcko, Max-David Briese, Moritz Augenstein at Louis Gentzik were affected.

Sina Boos at Kessler ay nagrepresenta ng Germany na nakakuha sila ng bronze medal sa Track World Championships sa Denmark noong nakaraang taon.