-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Isinailalim sa tinatawag na culling process ang anim pang baboy na hinihinalang apektado ng African swine fever (ASF) sa bayan ng Mangaldan.

Ang mga baboy na ito ay bukod pa sa nauna nang 103 na pinatay kahapon na nakapaloob sa 1 kilometer radius mula sa ground zero sa Barangay Baloling sa bayan ng Mapandan, matapos na magpositibo ang 15 sa 60 aboy na ipinuslit sa probinsya galing sa Bulacan.

Ayon sa mga otoridad, nakuha ang mga baboy sa Barangay Guesang sa Mangaldan, na kalapit bayan ng Mapandan.

Sinasabing ipinuslit pagsapit ng madaling araw ang mga baboy ng anak ng negosyanteng si Adelaida De Guzman na si Kenneth de Guzman sa tahanan ng isang local hog raiser na si Lemuel Chico, ang anim na baboy dahilan upang ito ay hindi maisama sa mga dapat sanang ipinasailalim sa total quarantine sa Barangay Baloling, Mapandan.

Mabilis namanng isinailalim sa culling ang mga ito at agad na ibinaon upang maiwasan ang pagkalat ng ASF sa probinsya.