Sinampahan ng kasong kidnapping o pagdukot at serious illegal detention ang anim na indibidwal sa pagkawala ng anim na sabungeros ayon sa Department of Justice (DOJ).
Inihain ng DOJ prosecutors sa Manil Regional Court ang naturang reklamo laban sa mga indibidwal na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr.
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano na walang piyansa na inirekomenda para sa mga nabanggit na respondents na nananatiling at large.
Umapela naman ang DOJ official sa publiko na may impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek na ipagbigay-alam lamang sa mga awtoridad.
Una rito, noong Disyembre ng nakalipas na taon, napatunayan ng DOJ panel of prosecutors na ang mga suspek ay nagsabwatan sa pagdukot sa mga nawawalang sabungeros.
Napaulat na umalis ang mga biktima sa may Tanay, Rizal noong Enero 13, 2022 na lumahok sa 6-cock race sa Manila Arena subalit napaulat na nawawala matapos na umano’y pwersahang isinakay ang mga ito sa isang kulay gray na van.