-- Advertisements --

Napatay ang 6 na suspected Islamic State group fighters sa ikinasang operasyon ng special forces mula sa top security agency ng Russia sa katimugang bahagi ng Caucasus republic ng Ingushetia na mayorya ng populasyon ay Muslim.

Sinimulan ng Federal Security Service ng Russia ang kanilang operasyon para ma-nutralisa ang grupo noong gabi ng Sabado na nagresulta sa pagkaka-corner ng 6 na katao sa isang gusali sa bayan ng Karabulak.

Ayon sa Anti-terrorism committee ng Russia, ang mga suspek ay miyembro ng IS na sangkot sa ilang serye ng terrorist crimes kung saan 3 sa mga napatay ay nasa listahan ng federal wanted persons.

Una ng inanunsiyo ng Russian authorities na kanilang pipigilan ang planong pag-atake ng naturang miyembro ng IS.

Bagamat limitado lamang ang impluwensoya ng IS sa Russia, naglunsad ng pag-atake ang mga ito sa nakalipas na mga taon partikular na sa Muslim-majority areas gaya ng Caucasus republic ng Chechnya, Ingushetia at Dagestan.