-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development – Cordillera na mayroong itinayong anim na evacuation centers sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Ayon kay DSWD-Cordillera regional director Janet Armas, ito ay bilang paghahanda sa panahon ng mga bagyo.

Ipinaliwanag niya na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pangunahan ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapatayo sa mga karagdagang evacuation centers.

Inihayag ni Armas na sa pamamagitan ng mga evacuation centers ay hindi na maaabala ang mga klase sa mga paaralan na karaniwang ginagamit na evacuations center kapag may kalamidad.