Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number two, ilang oras bago ang inaasahang landfall ng bagyong Jenny.
Kabilang sa mga nasa ikalawang babala ang Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province.
Habang signal number one naman sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands at Alabat Island, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 290 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Nananatili naman ang lakas nitong 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang storm Jenny nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Aurora, sa pagitan ng alas-9:00 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw.