-- Advertisements --

Arestado ang anim na magkakamag-anak sa Tanza, Cavite,sa pagsakalakay ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Regional Public Safety Battalion, Cavite Police Provincial Office, at Tanza Municipal Police Station, sa bahay ng mga ito.

Ito’y batay sa bisa ng search warrant kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ng mga suspek.

Tatlo sa kanila ay mga opisyal ng Barangay Paradahan 2 sa Tanza, kabilang ang kasalukuyang barangay kapitan, gayundin ang dating barangay chairman, at isa naman ay barangay kagawad.

Nakilala ang mga naarestong indibidwal na sina
officer-in-charge Barangay Chairman Chester Aron, dating Barangay Chairman Francisco Aron, at Kagawad Christopher Aron.

Kasama nila ang iba pang kaanak na sina Inocencio, Raymond at Ronel Aron; habang at large si Ceasario Aron.

Nakumpiska sa kanilang posisyon ang isang AK 47, isang colt M16 armalite rifle, garand rifle, isang carbine, dalawang baby armalite rifle, shotgun, limang piraso ng caliber 45, isang Smith and Wesson Magnum 357, dalawang 9MM pistol, at isang super 38 pistol.