-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Na-rescue na ang lahat ng mga anim na mga mangingisda na napabalitang nawawala, Miyerkules ng madaling araw sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Dante sa Aklan.

r6

Ayon kay Reynard dela Cruz ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Nabas) , dakong alas-8:15 kaninang umaga nang unang matagpuang palutang-lutang sa dagat si Allan Parohinog ng Barangay Alimbo Baybay sa karagatang sakop ng Nabas at makalipas ang ilang minuto naispatan naman ang mag-live-in partner na sina Roiland Estoya at Aiza Bautista, kapwa residente ng Barangay Buenasuerte sa naturang bayan.

Sinasabing nasiraan ang bangka at naubusan ng gasolina ang mga ito sa gitna ng dagat.

Kagabi nang makauwing ligtas ang tatlo pa nilang kasamahan.

Sa report ng MDRRMO Nabas pumalaot pa rin ang mga ito sa kabila ng babala na tatami ang bagyong Dante, kung saan ang northern portion ng Aklan ay isinailalim sa storm signal No. 2.