-- Advertisements --

Tode-ensayo ang delegasyon ng Pilipinas na ipapadala sa Special Olympics World Games sa Berlin, Germany sa Hunyo 17-25, 2023.

Ito ay kilala rin bilang Special Olympics World Summer Games 2023, isang international sporting event kung saan ang mga atletang may intellectual disabilities ay maaring magpakita ng kanilang physical abilities sa pamamagitan ng sports.

Mangunguna sa “Team Philippines” ang Filipino Olympian na si Akiko Thomson-Guevara, isang eight-time gold medalist sa Southeast Asian Games, na siya ring national chairperson at president ng board of trustees ng Special Olympics Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Thomson-Guevara, sinabi nito na 17 ang delegasyon ng Pilipinas kabilang na ang anim na mga atleta na lalahok sa aquatics, athletics, at bocce.

Ang mga atletang Pinoy ay sina Noel Cartera at Princess Garcia sa aquatics; Flordeliza Baento at Marco Gaite sa athletics; at Robin Conana at Kamille Tingzon sa bocce.

Ayon sa Philippine swimming icon, ang tunay na tagumpay ay ang pakikilahok ng mga atleta sa naturang sports at ang dala-dala nitong mensahe ng inclusivity.

Ang Special Olympics World Games ang itinuturing na largest sports organization sa mundo para sa mga taong may intellectual disabilities at may platform sa 190 na mga bansa.