-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magsisimula ngayong araw ang ipapatupad na hard lockdown sa anim na mga Barangay sa lungsod ng Santa Maria, Davao Occidental.

Base ito sa Executive Order Number 12 series of 2021 na inilabas ni Santa Maria Mayor Josephine Mariscal, kung saan ang mga barangay na isasailalim sa lockdown ay kinabibilangan ng Barangay Kinilidan, San Antonio, Datu Daligasao, Buca, San Agustin, at Poblacion.

Ipapatupad ang lockdown hanggang sa katapusang araw ng Agosto.

Dahil ito, ipapatupad na rin ang pag-check ng mga pass slips sa mga residente sa mga nasabing mga Barangay at pagdala ng identification cards sa mga Authorized Personnel Outside Residence kon APOR para payagan ang mga ito na makalabas.

Ang mga botika, hospital, gasoline station, punerarya, bangko at iba pang financial institutions at utilities ang pinapayagan naman na maka-operate.

Wala rin umanong dapat na ipag-alala ang mga residente sa mga barangay na isinailalim sa lockdown dahil bibigyan ang mga ito ng relief packs.

Inilabas ni Mariscal ang nasabing kautusan matapos maitala ng Santa Maria LGU ang 686 na kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan sa nasabing bilang, 308 ang mga aktibong kaso habang nasa 25 ang namatay.

Una ng ipinatupad sa buong Santa Maria ang No Movement Sunday sa mga nakaraang linggo bilang paraan para bumaba ang transmission ng Covid-19 sa lungsod.