KORONADAL CITY – Umabot sa anim na mga preso ng South Cotabato Provincial Jail ang ang nag-positibo sa illegal na droga sa isinagawang random drug testing sa mga inmates sa jail.
Ito ang kinumpirma ni Provincial Jail Warden Felicito Gumapac sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Gumapac, inaalam na nila kung papaano nakakapasok sa jail ang illegal na droga sa kabila ng mga paghihigpit na pinatutupad.
Ngunit malaki umano ang posibilidad na may mga paraan sila upang ipasok sa loob ang droga kahit maging ang dalaw ay bawal pa rin sa ngayon.
Dahil sa natuklasan, susuriin nang mabuti ang mga ipinapasok na pagkain at mga gamit sa jail upang hindi malusutan ng illegal na droga.
Siniguro din ni Gumapac na kung may presong pinagdududahang gumagamit ng illegal na droga ay agad isinasailalim sa drug test upang makumpirma ito.
Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na may mga preso at jail guard sa provincial jail na nag-positibo sa illegal na droga.