-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Anim na ang namatay sa sunog sa Oregon habang nagpatuloy ang paglaki ng apoy sa kabundukang bahagi ng San Francisco, California.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Nonito Dodong Donaire Sr. matapos iilang araw ng hindi nasilayan ang araw dahil sa makapal na osok na nagmula sa nasusunog na kabundukan sa lugar.

Makikita umano ang abo sa maraming sasakyan, bahay pati mga pananim kaya ang mga residente sa tuwing lalabas ng bahay suot palagi ang face mask.

Dagdag pa nito na maraming sunog ang nangyari nitong buwan dahil summer sa nasabing bansa.

Pinagdudahan na ang apoy ang gawa ng mga nag camping sa kagubatang bahagi o kaya galing sa itinapong sigarilyo.

Nagpatuloy naman ang paglaki ng apoy dahil limitado lamang ang matamaan ng tubig galing sa eroplano na gamit ng mga firefighters.

Sa ngayon nasa 110 degrees Fahrenheit ang temperatura sa lugar.