-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakaranas ng anim na oras na on and off na suplay ng kuryente sa probinsya ng Cotabato nitong gabi ng Biyernes.

Isang ahas at tuko na umakyat kung saan dumikit ito sa bahagi ng linya ng kuryente.

Nagdulot ito ng biglaang fluctuations at unscheduled power interruption sa buong service area ng Cotelco.

Ang nasabing fault ay natagpuan sa structure 554 ng 69 Kv line sa may Barangay Saguing Makilala Cotabato.

Matapos makuha ang dumikit na ahas at tuko ay agad naibalik ang suplay ng kuryente ng Cotelco.