-- Advertisements --

Nadiskubre ang nasa 6 na critically endangered Mekong giant catfish matapos mahuli ng mga mangingisda sa Cambodia.

Isa ang mga ito sa pinakamalaki at pinakabihirang freshwater fish sa buong mundo.

Sa pagtaya ng mga siyentista, mangilan-ngilan na lamang ang ganitong uri ng isda na natitira sa mundo.

Nagdiwang naman ang mga conservationists sa pagkakadiskubre ng naturang mga isda. Masaya naman ang mga mangingisda habang hawak-hawak ang mga isda bago ito pinakawalan din at ibinalik sa dagat. May bigat ang nasabing Mekong catfish na aabot hanggang 130 kilos o 287 pounds bawat isa.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List, ang kasalukuyang populasyon ng giant Mekong catfish ay hindi pa malaman subalit tinatayang bumaba na ito ng 80% sa nakalipas na 13 taon.